11.11.11

pagpananon og Uhong ( from the Department of Agriculture)

Ang spores ay maliliít na parang pulbos, nahahawig sa alikabok,
at nalalaglag mula sa ilalim ng payong ng kabute at sumasama sa
ihip ng hangin.
Kapag nalaglag o natangay ang  spores sa mamasa-masáng
bagay, tulad ng tuód, nabubulok na katawan ng saging, basáng
dayami, atbp., ito’y kusang sumisiból, sa una’y parang amag
(mycelium). Kung ang kapaligiran ay pabor sa pagsiból ng spores,
magkakaroon ng kabute.
Ang mycelium na maihahambing sa dahon ng halaman dahil ito
ang gumagawa ng pagkain ng kabute upang lumaki ito. Pakatubò
ng kabute sa ibabaw ng mismong amag, magkakaroón na naman
ng panibagong henerasyón ng spores at mula rito lilitaw ang bagong
serye ng kabute.  Patu-patuloy ito. Iyan ang ikot ng buhay (life cycle)
ng kabute.
Dagdag na kaalaman:   Habang amag pa lamang, hindi ito
nangangailangan ng liwanag subali’t nangangailangan ng oxygen
upang tumubò. Kakailanganin ang liwanag kapag lumitaw na ang
kabute at palalakihin na.
Mga benepisyong pangkalusugan:
• Mayroón itong taglay na protina, mga 20% hanggang 50% fresh
weight o bagong ani.
• Kung ikukumpara sa karne, isdâ o itlóg, mas mababa ang protina
ng kabute; subali’t kapantay naman ng sa mais at gatas ng
kalabaw.
• Más mataas ang Vitamin A ng kabute kaysa sa repolyo, carrots,
kamatis, saging at mansanas.
• Mataas din ang ascorbic acid ng kabute.
• Taglay nito mga  minerals na potassium at calcium, at mga
Vitamin B, C at D.2 7


Ang pagpaparami ng kabute ay isang kapaki-pakinabang
na gawain na hindi kailangang gugulan ng maraming oras
ng pangangalaga. Dagdag rito, marami ang ‘di nakakabatid
na ang kabute ay nahahanay sa kalipunan ng mga masusustansyang
gulay.
Uri ng kabute na hiyang sa Pilipinas at kapaki-pakinabang
paramihin:
Kabuteng Dayami ( Volvarilla volcacea)
Kama o patubuan ng semilya:
D a y a m i   n g   pa l a y   a n g
pa n g u n a h i n   a t
pinakamabuting patubuan ng
semilya ng kabute. Maaaari
rin naming pamalit ang water
lily o kaya’y dahon o tangkay
ng saging at mga patapong
bahagi ng abaca.
Paghahanda:
•      Mahaba, malinis at tuyóng
dayami ang dapat gamitin.
• Huwág gagamit ng bulók
at lumang dayami.
• Bago bungkusin ang dayami, tiyaking nakaáyos na mabuti ang
dulo ng mga ito.
• Ang pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro
(60cm-80cm).
• Putulin ang bungkos sa habang 1.5 hanggang 2 talampakan
(1½ -2ft)

• Ibabad sa tubig ang bungkos nang tatlóng oras (3hrs) at huwag
pababayaáng nakalubog nang sobra sa 10 oras. Katamtamang
dami ng tubig lamang ang dapat masipsip ng dayami.
• Tayuán ng apat (4) na kawayan o patpat ang bawa’t sulok ng
kamang págpupunlaán. Anumán ang haba tiyaking dalawáng
talampakan (2ft) ang lapad.
• Ilatag na mabuti nang pahaláng sa pundasyon ang mga bungkos.
• Diligin subali’t ihinto kapag nag-uumpisa nang dumaloy ang tubig
sa kama.
Pagpupunlâ:
• Isingit ang mga semilya sa pagitan ng mga dayami apat na
pulgada (4in) mula sa gilid ng kama. Tiyaking ang pagitan ng
mga punla o layo sa isa’t isa ay apat na pulgada (4in) rin. Huwág
pupunlaán ang gitna ng kama.
• Pasalungát sa unang latag ay ipatong ang ikalawang kama ng
dayami. Diligan at patagin.
• Dagdagan ang patong, gaya nang sa nauna, hanggang sa
mahustó ang salansan at taas ng kamang punlaan.  Tiyakin
lamang na wastô ang paglalatag.
• Ang patubuán ng kabute ay binubuô ng anim na salansan ng
kama ng dayami  at  sa bawa’ t  kama o bawa’ t  patong ay
natatamnan.
Pag-aásikasó sa mga kamang natamnan ng kabute:
• Apat o limang araw (4-5 days) pagkapunla, maaari nang diligan
ang mga kama. Gawin ito tuwing makalawa. Kung tag-init, sundin
ang inirerekomendang pagdidilig; subali’t kung tag-ulan, mataas
ang halumigmig, hintayin na lamang na mag-usbungan ang
kabute

Merkado:
Malakas ang merkado sa kabute (mushrooms) dito sa atin,
halimbawa: sa mga supermarket, sa palengke, sa mga restaurant
at hotel, ganundin sa mga food exhibit at producer ng pizza, sopas
at spaghetti.
Maaari ring i-proseso tulad ng isasalata, i-aatsara o  pickles,
tutuyuin at gagawing instant seasoning o pulbos na pampalasa sa
mga lutuin. Maaari ding gawin mushroom patties na pang-mushroom
burger, mushroom soimai at mushroom lumpia.
Malaki rin ang merkado ng kabute sa Belgium. Dito naman sa
bansa, kulang pa rin ang  supply ng kabute sa mga palengke at
kakaunti rin lamang ang nagtitinda at nagsu-supply.
Ang kabute at ang mga pangangailangan nito:
Ang kabute ay isang grupo ng halaman na klasipikadong fungi.
Subali’t, naiiba ang uri ng halamang ito, sapagkát ang kabute ay
walang chlorophyll bodies (mga berdeng pigment na tumutulong sa
halaman na makagawa ito ng sariling pagkain na kailangan ng
halaman sa paglaki).
At dahil sa ang mga  fungi, kasama na ang mga kabute, ay
nangangailangan mismo ng ayuda upang magkaroon ng sariling
pagkain, kinakailangan itong magkaroon ng cellulose at tubig upang
tumubò.
K a r a n iwa n ,   a n g   c e l l u l o s e  a y   n a k u k u h a   s a   n a b u b u l o k   o
organikóng bagay, tulad ng halaman at kahit mula sa dumi ng hayop
na mayaman sa nitroheno at karbón.
Ang nitrogeno at karbón ang dalawang pangunahing elementóng
kailangan upang sumiból at lumaki ang kabute. Bumubuô ang kabute
ng  spores, ito ang nagsisilbing semilya ng kabute.  Spores ang
lumalaki at nagiging kabute.
• Kung mahigit sa isang puno o troso ang gagamitin, isalansán
ang mga ito nang pa-krús o magkaká-krús, halinhinan mula sa
pinaka nasa ibaba ng salansan.
Wastong pag-aalaga:
• Diligin tatlong beses sa isang lingo (3x/week), lalo na sa panahon
ng tag-init. Kung tag-ulan, hindi na kailangang magdilig.
• Paikutin ang mga puno (troso) tuwing ikalawang linggo (2 weeks)
para tubuan ng kabute ang buóng troso.
• Makalipas ang dalawang buwan (2 months), baguhin ang
pagkaka-ayos ng mga troso.
• Isandal ang mga ito nang pa-anggulong 25º (25 degrees) sa
mga buho ng kawayan.
• Ang mga kawayan ay dapat isalansan nang parang balag (trellis).
• Gawing pasalit-salit ang ayos o pagkakasandal ang mga troso,
kahalintulad ng pagsisipit ng mga daliri ng kaliwang kamay sa
pagitan ng mga daliri ng kamang kamay.
• Ang angkóp na halumigmig (humidity) sa pagpaparami ng
Taingang-Daga ay 75%-85%. Hindi makabubuti sa uri ng
kabuteng ito na sobrang nabubulok ang patubuang-kahoy
(troso).
Pag-aani:
• Makalipas ang tatlóng buwan (3 months), magsisilitaw na ang
taingang-daga.
• Huguting isa-isa ang buóng taingang-daga, isama ang pinakapuno nito pati ang ugat.
• Isang araw (1 day) na ibilad sa arawan ang mga taingang-daga
bago isilid sa mga supot na plastic


lumalaki at nagiging kabute.6 3
• Masisira ang pagtubò ng kabute kapag sobrang basâ ang dayami
o kaya nama’y sobrang tuyô. Upang hindi lumabis ang tubig sa
kama, diligin na lamang ang mga tagiliran nito.  Kapag ang
semilya ay nag-umpisa nang tumubò, ihintô muna ang pagdidilig.
• Kapag nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute, muling
ipagpatuloy ang pagdidilig.
Pag-aani:
Pagsapit ng dalawa hanggang tatlóng lingo (2-3 weeks), ang
punla’y mag-uumpisa nang tumubo. Sa pag-aáni, tiyaking kasama
ang pinaka-ugát ng kabute sa paghugot rito mula sa kama. Huwag
aanihin ang umu-usbong pa lamang upang hindi magambala ang
paglaki nito.
Ang kabute na nasa kasibulan pa lamang ay más malinamnam
kaysa sa mga nakabukadkad.
Kabuteng Pamaypay (Pleurotus Sajor-Caju)
Mushroom Growing Kit :
• s pawn   b a g s   o   s u p o t   n a
p l a s t i c   n a   m a y   s e m i l y a
( s pa w n )   n g   k a b u t e   n a
handa nang gumitî
• lubid
• hook na sabitan
• mist sprayer
Paraan ng pagpapa-usbong :
• Humanap ng lugar sa loob
ng bahay na mahalumigmig. Ito ay maaaring sa banyo, lababoo sa basement ng bahay. Mahalaga na ang lugar na ito ay ‘di
diretsang nasisikatan ng araw.
• Isabit sa mga hook ang tainga ng lubid na nakatali o nakapulubot
sa mga spawn bag.
• H a y a a n g   n a k a b i t i n   n g   1 - 2   a r a w.   I t o   a n g   t i n a ta w a g   n a
acclimatization stage upang hayaang mapanumbalik ang dating
sigla ng semilya mula sa stress o pagkabigla dala ng pagbabiyahe.
• Makalipas nito, gupitin ang magkabilang dulo ng plastic bag.
Gumamit ng mist sprayer at diligin iyong magkabilang dulo na
nakabukas. Panatilihing mamasâ-masâ.
• Tatlo hanggang limang araw (3-5 days) magsisimula nang magusbungan ang mga Kabuteng Pamaypay. Panatilihing mamasâ-
masâ. Kapag sinlalakí na ng talabá ang kabute, pitasin na.
• Kayurin ang mismong lugar na pinagtubuan ng kabute pagkaani. Panatilihin pa ring mamasâ-masâ ang mga spawn bag.
• Makalipas ang limang araw (5 days), panibagong kabute ang
magsisibulan.
Mga karagdagang kaalaman:
• Umu-usbong ang kabute sa mga lugar ay mamasâ-masâ at ang
temperatura ay nasa pagitan ng 25ºC at 30ºCentigrado.
• Ciento beinte-cinco gramo (125g) ng mga kabute ang maaani
mula sa spawn bag na 500 gramo (500g) ang bigat.
• Sabáy-sabáy anihin ang lahat ng kabute, malaki at maliliít, dahil
hindi na lalaki pa ang maiiwang maliliít.
• Upang mapanúmbalik  ang siglá ng naiiwan pang semilya sa
s pa w n   b a g,   d a pa t   k a y u r i n   a n g   p i n a g t u b u a n   n g   u n a n g

henerasyón ng kabute. Dapat kasing matanggál ang luma at
mahihináng semilya.
Taingang-Daga (Auricularia plythrica)
Paghahanda sa katawán ng puno na gagawing patubuán ng
kabute:
• Un a ,  ma a a r i n g   g ami t i n
a n g   p u n o   n g   n i y o g ,
lawaan, ipil-ipil, tangili o
k a k a w a t e .   P u t u l i n   a n g
k a ta w a n   n g   p u n o   s a
habang isa at kalahating
metro (1 ½m) at patuyuin
nang husto.
• Lagyan ng mga butas ang
puno, pa-spiral o paikot sa
buong katawan. Gawing
d a l a w a n g   p u l g a d a   ( 2
i n c h e s )   a n g   l a l i m   a t
kalahating pulgada ((½in)
hanggang isang pulgada (1in) ang luwang.
• Ibabad sa tubig sa loob ng 72 oras o tatlong araw.
Paraan sa paghuhulog ng semilya sa mga butas:
• Alisin sa pagkakababad at simulan nang ihulog o ibaón ang
semilya sa mga butas.  Diinan ang semilya hanggang sa leég
ng butas.
• Takpan ang butas ng kapirasong kahoy at tiyaking kasya ito o
pasók sa bunganga ng butas.
• Kuskusin ng paraffin wax ang butas upang matakpan nang husto
ito

• Lahat ng kabute ay walang cholesterol at mababa sa calories
kaya’t mainam ito para sa mga nagkaka-edad o sa mga taóng
labis ang timbang, ganundin sa may hika sanhi ng maruming
kapaligiran, at sa may galis.
Mga paala-ala sa pagtatanim ng kabute:
• Hindi nangangailangan ng maluwang na sulár sa pagpaparami
ng kabute, hindi tulad ng pagtatanim ng gulay. Kahit sa makipot
na likod-bahay o silong ay maaari.
• Hind kailangan ang malaking puhunan. Ang tanging kailangan
lamang ay bumili ng spawn, tulad ng pagpaparami sa Volvariella.
• Alamin ang kaya ng inyong  budget na gagawing puhunan.
Ti y a k i n g   a n g   n a p i l i n g   p r o y e k t o   a y   h i y á n g   s a   l u g a r   n a
pagtatamnan.
• Sa negosyong ito, may mga produktong patapón sa bukid (farm
by-products) o mula sa mga industriya na karaniwang nagdudulot
lamang ng polusyon sa kapaligiran, subali’t maaaring gamitin
sa pagpaparami ng kabute tulad ng dayami, katawan ng puno
ng saging, busil at dahon ng mais, bagasse mula sa tubó, coir
dust at kusot

No comments:

Post a Comment